Wednesday, May 13, 2009

CABAL Summer EB, dinagsa!

Isang kakaiba at napakasayang weekend ang naganap last May 9 sa Robinson’s Pioneer nang i-celebrate ng e-Games ang CABAL Summer Eyeball kasama ang mga avid gamers ng CABAL Online.

Umabot sa mahigit 500 na CABALists ang nagpunta sa event na ito, kung saan nagkita-kita ang mga magkaka-guild, at nagkakila-kilala ang mga players na first time lang na nagpunta sa EB.

Kasabay ng masayang meet-up ng mga gamers, ipinakilala rin sa event na ito ang bagong Community Manager ng CABAL Online, si CM Charms. Kasama sina CABAL PM Jay/GM BoOM at APM Toby, nagpa-ulan ng sandamukal na prizes sa mga contests, tournaments at raffle activities.


Nagpakitang-gilas naman ang mga CABALists nang magpamalas sila ng galing sa pakikipag-bakbakan sa 6x6 Tournament! Pano ba naman…SIG METAL ang pinaglabanan ng bawat team na sumali sa dito. Syempre, hindi rin nagpahuli ang mga sumali sa Level Race Contest. Nagpakita rin ng kaalaman sa game ang mga players na sumali sa Name that Mamaw Contest.

Nang magpa-auction ng rare and exclusive Outer Invader Pet (Levels 1, 5 at 10), talaga namang umapaw ang hiyawan sa pag-outbid ng bawat CABAList para naman makuha ang pet na ito na hindi magiging available sa Cash Shop.

Pero wala na sigurong tatalo sa raffle event, kung saan namigay ang CABAL Product Team ng mga items ranging from 30Day Services to cool items! Talaga namang inabangan ng mga players ang hourly activity na ito.

Heto ang mga masuswerteng nanalo sa mga pa-contest ng event. Congratulations sa inyong lahat!

6x6 Tournament
Team Nosebleed of Mercury Server
Cutandie
Brysanity
Psychedelic
TuRtLe08
Shiori
Psychotron

Level Race
ElysiaNRouteR, Venus Server

CABAL Auction
Marvin Matalabos (Level 1 Outer Invader Pet)
Pamela Alinsunurin (Level 5 Outer Invader Pet)
Jed Reyes (Level 10 Outer Invader Pet)

Mula sa e-Games at CABAL Team, nais naming pasalamatan ang lahat ng CABALists na nagpunta at nag-attend sa CABAL Summer EB! Hanggang sa susunod na event!

No comments: