
Umabot sa mahigit 500 na CABALists ang nagpunta sa event na ito, kung saan nagkita-kita ang mga magkaka-guild, at nagkakila-kilala ang mga players na first time lang na nagpunta sa EB.
Kasabay ng masayang meet-up ng mga gamers, ipinakilala rin sa event na ito ang bagong Community Manager ng CABAL Online, si CM Charms. Kasama sina CABAL PM Jay/GM BoOM at APM Toby, nagpa-ulan ng sandamukal na prizes sa mga contests, tournaments at raffle activities.

Nagpakitang-gilas naman ang mga CABALists nang magpamalas sila ng galing sa pakikipag-bakbakan sa 6x6 Tournament! Pano ba naman…SIG METAL ang pinaglabanan ng bawat team na sumali sa dito. Syempre, hindi rin nagpahuli ang mga sumali sa Level Race Contest. Nagpakita rin ng kaalaman sa game ang mga players na sumali sa Name that Mamaw Contest.

Pero wala na sigurong tatalo sa raffle event, kung saan namigay ang CABAL Product Team ng mga items ranging from 30Day Services to cool items! Talaga namang inabangan ng mga players ang hourly activity na ito.

6x6 Tournament
Team Nosebleed of Mercury Server
Cutandie
Brysanity
Psychedelic
TuRtLe08
Shiori
Psychotron
Level Race
ElysiaNRouteR, Venus Server
CABAL Auction
Marvin Matalabos (Level 1 Outer Invader Pet)
Pamela Alinsunurin (Level 5 Outer Invader Pet)
Jed Reyes (Level 10 Outer Invader Pet)

No comments:
Post a Comment